Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Arestado sa Lungsod ng Tuguegarao ang Top 7 Most Wanted Person sa lalawigan ng Cagayan kahapon, September 19, 2023.

Pasado ala-una ng hapon kahapon nang ikasa ng mga awtoridad ang Manhunt Charlie Operation sa Tuguegarao City na nagresulta sa matagumpay na pagkakakorner ng nasabing Wanted Person. Sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ni Judge Dennis Mendoza ng Regional Trial Court Br. 04, Tuguegarao City, Cagayan noong September 18, 2023, nahulog sa kamay ng pulisya si Alyas Tony, 18 taong gulang at residente ng nabanggit na lungsod.

Si alyas Tony ay nahaharap sa kasong Statutory Rape at kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Tuguegarao para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Samantala, pinuri naman ni Police Brigadier General Christopher Birung, Regional Direktor, PRO2 ang mga kapulisang nasa likod ng matagumpay na operasyon. Kaniya ring hinikayat ang mga mamamayan ng Lambak ng Cagayan na makipagtulungan sa kapulisan upang tuluyan ng matuldukan ang pagtatago sa batas ng mga Wanted Person dito sa Rehiyon Dos. β€œAng pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa kapulisan ang isa sa mga pinakamabisang paraan para tuluyan ng mailagay sa rehas ang sinumang umabuso at lumabag sa batas dito sa Lambak ng Cagayan.” ani ng director.

PNP PR02 Press Release

Photo Courtesy: PNP Region 2