Ulat nina Vill Visaya at Lemar Torres
TUGUEGARAO CITY-Lumahok ang abot sa 500 mga kasosyo sa kapaligiran at stakeholders mula sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan, mga yunit ng lokal na pamahalaan ng munisipyo at barangay, at mga sektor ng negosyo sa international coastal cleanup (ICCU) sa Pinacanauan river kamakalawa.
Sa National Cleanup month na may tema ngayong taon na “Malinis na Dagat para sa Malusog na Pangisdaan, karamihan sa mga dumalo ay mga kawani ng isang pribadong mall, katuwang ang ilang mga nakilahok na mga kawani ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga pulis at bumbero.
Umabot sa 2,200 kilos ng basura ang nakolekta sa international cleanup activity at nakuha karamihan ay mga plastic wrappers, straws, bottle caps at styrofoam.
Hinimok ng mga stakeholders na maayos rin na itapon ang mga basura at hind isa mga ilog lalo na ang mga plastic na napupunta sa mga dagat na sumisira umano sa marine biodiversity. Ayon kay Kristine Iris Ceballos, mall manager ng SM City Tuguegarao, ang kanilang mga sustainable program na tinawag na green movement. Binigyang-diin niya na ang kanilang mga operasyon ay nakahanay sa sustainable at environment-friendly na mga kasanayan na nakatuon sa pagtitipid ng enerhiya, pagbawas ng solidong basura at pagtitipid ng tubig.#
Mahigit 500 volunteers ang nakilahok sa International Cleanup Day sa Pinacanauan river sa Tuguegarao City kamakalawa. (Mga larawang kuha ni Lemar Torres)