Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan – Sa patuloy na kampanya kontra ilegal na droga, matagumpay na nadakip ng PNP Drug Enforcement Group katuwang ang iba’t ibang hanay ng kapulisan ng CPPO at TCPS sa ikinasanang drug buy bust operation kahapon, Agosto 28, 2023 sa Brgy. Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si alyas “Marj” , 26 taong gulang. Si Marj ay naaresto matapos bentahan nito ang isang asset ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nasabat mula kay Marj ang mahigit P104,000 halaga ng boodle money, limang pirasong sachet ng hinihinalang shabu, cellphone, at P1000 buy bust money.

Dagdag pa rito, ang kabuuang timbang ng hinihinalang ebidensya ng droga na nakumpiska kay Marj ay MOL65 Grams na may standard drug price na Php357,500.00. Nahaharap si Marj sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at inihahanda na ng kapulisan ang kaukulang reklamong isasampa laban sa suspek.

Photo Courtesy: PNP Region 2