Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Inihain ng kapulisan ng Isabela Police Provincial Office ang Search Warrant sa singkwenta’y kwatrong taong gulang na lalaki sa Cabatuan, Isabela ngayong umaga.

Kinilala ang suspek na si alyas “Robin”, at residente ng Brgy San Andres ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa kanyang pangangalaga ang caliber 22 magnum black widow, Caliber 38 revolver smith and Wesson, Caliber 22 homemade riffle, 47 pcs na bala ng cal. 22 magnum, 2 pcs na bala ng cal. 22(regular), isang empty cartridge ng cal. 22 magnum, 21 pcs na bala ng cal 9mm pistol, 1 magazine at 10 pcs na bala ng cal. 5.56 riffle, 2 magazine at 24 pcs na bala ng cal. Carbine riffle, 4 pcs na bala ng cal. 38 revolver, 1 empty box ng bala ng cal. 22 magnum at 1 empty box at case ng RBCD 9mm.

Si Robin ay nasa kustodiya ngayon ng Cabatuan Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Photo Courtesy: PNP Region 2