203rd Mobile Company ng RMFB2, matagumpay na isinagawa ang limang araw na Team Challenge sa kanilang kampo sa Lal-lo, Cagayan
CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Matagumpay na isinagawa ang limang araw na Team Challenge ng 203rd Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 na nagsimula noong Hulyo 20 hanggang 24 taong kasalukuyan.
Ang aktibidad na ito ay sa inisyatibo ni PCPT SHTRA B CANAO, Company Commander ng 203rd Mobile Company na isa sa Best Practices ng nasabing kumpanya.
Iba’t ibang challenges ang isinagawa sa limang team na may walong miyembro tulad ng Sniper Initiated Close Quarter Battle (CQB), Disassembly and Assembly of Firearms, Endurance Firing, Land Navigation, Medical Evacuation (MedEvac), Treatment of Malfunctions of short Firearms and Steel Challenge, Demonstration of individual functions as a member of Special Action Team (SAT) at Team Run.
Layunin ng nasabing aktibidad ay upang mas mapalakas ang pagsasanay ng bawat myembro sa combat at tactical skills, palakasin ang stamina at higit sa lahat ay mas mapagtibay ang kanilang pagkakaisa ng mga miyembro ng nasabing kumpanya.#