Mga Pulis na nag uwi ng karangalan mula sa Cagayan Valley sa World Police and Fire Games 2022 na ginanap sa Rotterdam, The Netherlands
CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Ang mga pulis na nag uwi ng karangalan mula sa Cagayan Valley sa World Police and Fire Games 2022 na ginanap sa Rotterdam, The Netherlands nito lamang July 22-31, 2022.
Nasungkit ng mga pulis ang Gold, Silver at Bronze Medals sa nasabing competition. Ang pulis ay kinilalang si PCpl Randolph S Maraggun, tubong Barangay San Luis sa lungsod ng Cauayan, Isabela at kasalukuyang nakatalaga sa Cauayan City Police Station ng Isabela Police Provincial Office. Si Maraggun ay nakapag uwi ng isang silver at isang bronze medal sa larong Karatedo at siya ay kabilang sa National Team na Karatedo Pilipinas sa nasabing patimpalak.
Pangalawa ay si PCpl Edward C Barrera na nakatalaga sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office. Nasungkit nito ang isang Gold Medal, dalawang Silver Medals at isang bronze Medal sa katatapos na 2022 World Police and Fire Games.
Pangatlo ay si PSSg Eva Claire Capelo Santiago na tubong Centro, Peñablanca, Cagayan at nakalataga sa PNP Anti-Kidnapping Group. Si Santiago ay nakapag-uwi ng apat na Gold medals sa 2022 World Police And Fire Games sa Rotterdam, Netherlands.
At ang pang-apat ay si Police Corporal Joselito C Aquino Jr, tubong Tuguegarao City, Cagayan at nakatalaga sa Office of the Deputy C,PNP of Administration ay nasungkit din nito ang gintong medalya sa isports na Badmiton Mixed Doubles Open Category sa nasabing patimpalak.
Ang pang anim ay si Police Master Sergeant Aaron Jayxen Banatao na tubong Barangay Nattanzan, Iguig, Cagayan at kasalukuyang nakatalaga sa Public Information Office, Office of the Chief PNP sa Kampo Crame, Quezon City. Nasungkit nito ang isang Gold at isang Silver Medal na nasabing competition.
Sa panayam kay Police Master Sergeant Banatao ng PRO2 News Team at lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng suporta na binigay sa kanya at inaalay nito ang parangal din lang sa kanya kundi sa lahat ng sambayanang Pilipino.
Muling naghahanda ang mga pulis sa isang competition sa gaganapin na World Police and Fire Games 2023 sa susunod na taon sa Winnipeg, Canada.
Matatandaan na sampung taon pagkatapos ng paglulunsad ng World Police and Fire Games sa America, ang biennsial Games ay lumipat sa North America sa unang pagkakataon at idinaos sa Australia hanggang sa naihost na ito sa buong mundo. Ito ang pangalawang pinakamalaking kaganapan sa laro sa mundo na may humigit kumulang 10000 na mga atleta ang kalahok.
Isang pagpupugay mula buong hanay ng Police Regional Office 2 na pinamumunuan ni Police Brigadier General Steve B Ludan, Regional Driector sa mga pulis na nagbigay karangalan sa hanay ng PNP at maging sa buong mundo.#