CAMP LT. ROSAURO TODA JR., City of Ilagan- Timbog ang isang magsasaka sa kasong Murder nitong ika-16 ng Agosto,2023 bandang 8:30 ng umaga sa Sitio Basak Brgy. Mintal, Davao City, Davao Del Norte.

Ang suspek na binansagang Top 4 Regional Level Wanted Person ay kinilalang si Alyas Romy, 58 nayos, kasal at residente ng Brgy. Dalig Kalinga, Aurora, Isabela.

Matagumpay itong naaresto nang pinagsanib na pwersa ng Aurora Police Station (Lead Unit) sa pangunguna ni PMAJ SAMUEL A LOPEZ, COP kasama ang 115th Coy, 11th Batallion SAF, Tagum City Davao Del Norte, PIU-IPPO, RID2, RIU2, RIU11, Mintal Sub Station PS9, Tugbok, Davao City Police Office PRO11 at RMU2 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Randy B. Bulwayan Presiding Judge of RTC Br. 23, Roxas, Isabela noong August 23, 2021 sa kasong nabanggit na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Dinala ang suspek sa himpilan ng Aurora Police Station sa Isabela pagkatapos ng dokumentasyon rito bago ito iturn-over sa korteng pinagmulan. (PNP-Isabela PPO press release)