Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan- Muli na naman pinatunayan ng Police Regional Office 2 na ang mga kriminal ay walang lugar sa lambak ng Cagayan sa pagkakaaresto nito sa isa na namang notoryus na Wanted Person sa P-2, Brgy. Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang notoryus wanted person na alyas “Jane”(Top 3 Provincial Most Wanted Person), 49 taong gulang at residente ng nasabing barangay.

Batay sa report ng kapulisan ng Bagabag PS napasakamay nila ang notoryus na tao sa bisa ng Mandamiento De Aresto bandang 6:00 PM nitong araw sa nasabing lugar katuwang ang Regional Intelligence Unit 2-Provincial Intelligence Unit Nueva Vizcaya.

Ang pagkakadakip ng suspek ay dahil narin sa Mandamiento na pinalabas ni Hon.Dominica Lumicao Dumangeng-Rosario, Presiding Judge, Second Judicial Region, RTC Br. 27, Bayombong, Nueva Vizcaya sa kasong Syndicated Estafa.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Bagabag ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon habang inihahanda ang kaso laban dito.

Pinuri naman ng pamunuan ng PRO2 na si Police Brigadier Christopher Birungang kapulisan ng PNP Bagabag sa matagumpay na pagkakadakip ng suspek. Aniya, ” Ang kaayusan at katahimikan ng Lambak ng Cagayan ay mapapanatili lalo na sa sunod-sunod na pagkakahuli ng mga notoryus na Wanted Person kung sama-sama nating lipulin sila. Trabaho nating lahat na ipagtanggol ang ating lipunan sa anumang uri ng kriminalidad kung kaya’t magtulungan tayong abutin ito”, dagdag ng direktor.

PNP PR02 Press Release

Photo Courtesy: PNP Region 2