Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan- Sa pinaigting na kumpanya ng Police Regional Office 2 kontra Wanted Person muli na namang itong umiskor sa pagkakaaresto ng isang indibidwal sa Brgy. Centro 1, Angadanan, Isabela.

Kinilala indibidwal na si alyas “Pakito”, 33 anyos, drayber at , residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ng Angadanan PNP napasakamay nila ang suspek bandang 10:45 ng umaga, kahapon, Setyember 26, taong kasalukuyan sa bisa ng Mandamiento De Aresto na pinalabas ni Hon. Marie Claire Victoria Mabutas Sordan, Presiding Judge of RTC Branch 97, Antipolo City, Rizal sa kasong Robbery na naka docket sa ilalim ng CC# 22-80394 na may nirerekomendang pyansa na Php100,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Angandanan ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon at mahaharap sa kasong Robbery. Pinuri naman ng pamunuan ng PRO2 na si Police Brigadier Christopher Birung ang kapulisan ng PNP Angadanan sa matagumpay na operasyon.” Ang Lambak ng Cagayan ay hindi lungga ng mga kawatan kung kaya’t samahan ninyo kaming mga kapulisan na tugusin ang mga kawatan na sumisira sa kaayusan, kapayapaan at katahimikan ng ating lipunan”, ani ng direktor.

PNP PR02 Press Release

Photo Courtesy: PNP Region 2