Mahigit P276 milyon ang halaga ng iniwang pinsala ng Bagyong Maring sa agrikultura kabilang na ang high value crops, livestock at fishery sa lambak ng Cagayan, ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng Dept. of Agriculture-Region 2.
Ayon ky Edillo, karamihan sa pinsala ay naitala sa probinsiya ng Cagayan kung saan sa palay ay mayroong partially damaged na 7,863 ektarya at 623 ektarya ang totally damaged na nagkakahalaga ng P63,480,641. Mayroong 7,232 na magsasaka ang apektado.
Sa mais ay naitala ang 3,904 hectares sa partially damaged at 100 hectares sa totally damage na nagkakahalaga naman ng P23,672, 400.
Sa fishery sektor ay naitala naman ang mahigit P2 milyon na pinsala habang sa livestock ay nasa mahigit P938,000 mula sa probinsiya ng Cagayan at Isabela.
Mayroon ring naitalang pinsala sa mga ibang lalawigan katulad ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino. (Data Courtesy:DA-Region 2)
Sa kabuuang halaga sa crops kabilang na ang palay, mais at gulay ay nasa mahigit P272 milyon, sa livestock ay mayroong mahigit P938,000 at sa fishery sektor ay mayroong mahigit P3 milyon.#