Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City,Cagayan- Sa pinalakas na pag-iimplementa ng Police Regional Office 2 kontra Wanted Person, isa na naman notoryus na indibidwal ang napasakamay ng mga awtoridad sa bayan ng San Agustin lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang notoryus na indibwal na si alyas “Jay”, 18 taong gulang, estudyante at residente ng P-7 Brgy. Masaya Centro, San Agustin, Isabela. Ayon sa ulat ng PNP San Agustin kay PRO2 Regional Director Police Brigadier General Christopher Birung napasakamay nila si alyas “Jay” katuwang ang Provincial Intelligence Unit-Isabela Police Provincial Unit at Regional Intelligence Unit 2 City Intelligence Team Santiago bandang10:50 ng umaga, kahapon sa Purok 7 Brgy. Masaya Centro, San Agustin, Isabela.

Ang matagumpay na pagkakahuli sa suspek ay dahil rin sa bisa ng Mandamiento De Aresto na pinalabas ni Hon. Michelle I. Gumpal Videz, Presiding Judge, RTC, Second Judicial Region, Branch 24, Echague, Isabela sa kasong Rape ng walang nirerekomendang pyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng PNP San Agustin ang nasabing indibidwal para sa kaukulang imbestigasyon at tamang disposisyon at mahaharap sa kasong Rape.

Ikinagalak at ikinatuwa naman ng pamunuan ng PRO2 na si Police Brigadier General Birung ang pagkakadakip ng mga awtoridad sa notoryus na tao. Aniya, ” Ang tuloy-tuloy na pagkakahuli ng mga kriminal lalong-lalo na ang mga notoryus na indibidwal ay dahil narin sa dedikasyon at mandato ng Valley Cops na panatilihing ligtas ang pamayanan sa anumang uri kriminalidad lalo na sa mga lansangan na talamak ang paggawa ng krimen. Samahan ninyo po kaming mga kapulisan na linisin ang Lambak ng Cagayan sa anumang uri ng kriminalidad para sabay-sabay nating matamasa ang ligtas at maayos na pamayanan”, dagdag ng direktor.

PNP PR02 Press Release

Photo Courtesy: PNP Region 2