(Image courtesy:Cagayan PIO)

By LNC Team

                                                       

Umabot sa 75 na mga barangay na sa Cagayan ang apektado ng Covid-19 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang nito.

Batay sa report na inilabas ng Cagayan Provincial Epidemiology Surveillance Unit, pumalo sa 43 ang karagdagang kaso ng hawaan ng virus ang naitala sa buong probinysa ng Cagayan ngayong Miyerkules, Hulyo-20.

Ang lungsod ng Tuguegarao muli ang nakapagtala ng pinakamaraming nahawaan ng virus ngayong araw na pumalo sa 31. Ang 27 sa mga ito ay pawang mga symptomatic, habang apat naman ang walang sintomas ng virus.

Ang barangay San Gabriel din sa lungsod ang may pinakamaraming nahawaan ng virus sa bilang na 13.

Kaugnay nito, nakapagtala din ng tig-dalawang panibagong kaso ang mga bayan ng Abulug, Enrile, Gonzaga, at Peñablanca, habang tig-isa naman sa Baggao, Gattaran, Lasam, at Pamplona.

Samantala, sa pangalawang pagkakataon ngayong linggo, muling nakapagtala ang lalawigan ng kaso ng nasawi sanhi ng Covid-19. Tig-isa mula sa mga bayan ng Sta. Teresita at Gattaran.

Dahil dito, 160 na ang kabuuang bilang ng kasalakuyang kaso ng Covid-19 sa buong probinsya ng Cagayan kung saan tumaas pa sa 17 ang mga bayan na apektado nito.#