Timbog si Rodel Paguirigan sa drug buy-bust operation sa Alinguigan 3rd, Ilagan City kagabi.(Jun Cuntapay)

By Felix Cuntapay Jr. at Maria Jesusa Esteban

Natimbog ang isang negosyante makaraang magbenta ng hinihinalang shabu sa mga police poseur-buyer sa Barangay Alinguigan 3rd, City of Ilagan, Isabela kagabi (July 20).

   Ayon kay Police Lt. Roberto Masiddo, team leader ng PNP-Ilagan, nakilala ang suspek na si Rodel Paguirigan, 48-anyos at negosyante sa naturang lugar.

   Nasamsam mula sa kanya ang isang supot ng hihinalang shabu, cellphone at P1,500 na buy-bust money (P1k boodle, P500 genuine). 

   Una rito, nagpanggap na  bibili ang mga police assets bago ang buy-bust at una nang positibo ang gawain ng suspek. Dahil dito, isinagawa ang operasyon at nadakip ang suspek. 

   Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 laban kay Paguirigan. #