Courtesy of Provincial Government of Batanes

Basco, Batanes โ€“ Nakapagtala ng kauna โ€“ unahang kaso ng pagkasawi dahil sa COVID -19 ang probinsya ng Batanes nitong Sabado.

Ayon sa pinahuling COVID -19 bulletin na ipinalabas kahapon ay pumanaw ang isang 70 taong gulang na lalaki nitong sabado na residente ng Basco kung saan nakasaad na ang kanyang final diagnosis ay Acute Respiratory Failure secondary to Pneumonia at High Risk secondary to COVID -19 confirmed case kung saan kabilang siya sa mga naitala na may critical condition.

 Umakyat sa 349 ang aktibong kaso ng COVID -19 sa buong probinsya kung saan nangunguna parin ang bayan ng Basco sa mga may mataas na active cases na nasa 254, sumunod naman ang Uyugan na may 25, Mahatao 24, Ivana 19, Itbayat 14 at Sabtang na may 13 active cases.

Sa kabila ng unang COVID -19 death sa probinsya ay patuloy ang apela ng Lokal na Pamahalaan sa publiko na sumunod sa ipinapatupad na Health Protocols para mapangalagaan ang kapakanan ng bawat isa at upang mapababa ang bilang ng kaso ng nasabing virus.