Data courtesy of DOH-Region 2

Naitala kahapon, September 26, 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 1,268 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 713 na gumaling at 25 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 11.87% (12,203) ang aktibong kaso, 85.10% (87,460) na ang gumaling, at 2.99% (3,074) ang namatay.