Kahapon (Oct. 17), ang bilang ng aktibong kaso sa lungsod ng Tuguegarao ay bahagyang bumaba at nasa 384 na.
Mataas pa rin ang naitalang bilang ng panibagong kaso na nasa 35 na kasama ang apat na re exposures na indibidwal habang 71 naman ang nakarekober mula sa sakit. At may isa na naitalang nasawi, ayon sa datos ng City Health Office.
Mariing pinapaalalahanan pa rin ng lokal na pamahalaan ang mga residente na sumunod sa l minimum health standards upang makatulong sa pag-iwas sa community transmission.Kung may nararamdaman na sintomas o may exposure sa nag positibo sa sakit ay agad na mag isolate at ireport sa BHERTS o sa Bayanihan Helplines, ayon pa sa kalatas.
Pinaiigting ang pag-iingat lalo na at nasa lungsod na ang Delta Variant. Ito ay mas mabagsik, mas madaling kumalat at mas nakakamamatay ayon sa mga eksperto.