Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Bagsak sa kulungan ang Top 3 Provincial Most Wanted Person sa Quirino matapos isilbi ng Quirino Valley Cops ang kanyang Warrant of Arrest ngayong araw, ika-23 ng Setyembre 2023.

Kinilala ang suspek na si alyas “George” 28 taong gulang at residente ng Brgy. Landingan, Nagtipunan, Quirino.

Naaresto si George sa bisa ng Mandamiente de Aresto sa Sitio Tuli Brgy. Villarica Pantabangan, Nueva Ecija sa kasong Rape in relation to RA 7610 at walang inirekomyendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Batay sa report ng PNP Nagtipunan, naisakatuparan niya ang karumaldumal na krimen kay alyas “Bety” noong Pebrero 11, 2023.

Nasa kustodiya ngayon ng Nagtipunan Police Station si George para sa dokyumentasyon at tamang disposisyon.

Pinuri ni Police Brigadier Christopher Birung ang mga operatiba sa matagumpay na pag-aresto sa suspek. “Patuloy na hahanapin ng Valley Cops ang mga lumabag sa batas upang panagutan nila ang kanilang pagkakasala. Kung sino man ang may impormasyon sa mga Wanted Person, ipagbigay alam ito sa aming himpilan upang matunton at maaresto namin sila,” pakiusap ni Police Brigadier Birung.

PNP PR02 Press Release

Photo Courtesy: PNP Region 2