Nakapagtala ng 90 new cases at 23 new recoveries ng COVID19 sa Lungsod. Ito ay resulta ng isinagawang Aggressive Community Testing ng Lokal na Pamahalaan noong September 1-4, 2021 upang matukoy at mapigilan ang paglaganap ng COVID19 sa lungsod.

Sa kabuuan, 5,780 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod, 5,241 dito ang naitalang gumaling na habang 154 naman ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Lungsod. Sa kasalukuyan, mayroong 385 na active confirmed cases ng COVID19 sa ating Lungsod. (Courtesy:LGU-Santiago City)