Photos from PNP-Cabagan

Natagpuang patay at tadtad ng bala sa loob ng kanyang kotse ang isang pulis sa Bypass Road sa Ugad, Cabagan, Isabela kaninang 8:30 ng umaga, July 7.

Ang biktima na si Police Corporal Marnix Baquiran, residente ng Kamasi, Peรฑablanca, Cagayan at naka-assign sa PNP-Reina Mercedes, Isabela ay padaan umano sa lugar at sakay ng kanyang Fortuner na may plakang BBZ-3250 para pumasok sa tungkulin nang tambangan ng mga di-kilalang mga salarin, ayon kay Police Major Rodante Albano, hepe ng PNP-Cabagan sa panayam sa telepono.

Itinawag rin daw sa pulisya ng PNP-Reina Mercedes ang pagkamatay ng kanilang miyembro kaya nakikicoordinate din sila sa lugar upang mabigyang linaw ang imbestigasyon. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing pangyayari. Sa inisyal na report ng pulisya, isang saksi ang nagbigay-alam sa pamamaril.#