CAMP MARCELO A. ADDURU, TUGUEGARAO CITY, Cagayan- Sa isang matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga, naaresto ng operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit 2 katuwang ang kapulisan ng Enrile ang isang High Value Target at nakumpiska ang malaking halaga ng marijuana ngayong araw, ika-27 ng Marso, 2024.
Naaresto si alyas “Jhun”, 24-taong gulang sa San Jose, Enrile, Cagayan.
Nakumpiska sa kanyang pangangalaga isang bloke ng hinihinalang marijuana na may tinatayang timbang na 1000 grams at nagkakahalaga ng P120,000.00. Bukod pa rito, nakuha rin sa kanya ang buy-bust na ginamit sa operasyon.
Nasa kustodiya ngayon ng Enrile Police Station si Jhun at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang pagkahuli sa nasabing High Value Target ay patunay na hindi kami titigil sa kampanya laban sa ilegal na droga. Ito ay patunay na ang ating mga pagsisikap at dedikasyon ay nagbubunga ng positibong resulta. Patuloy nating tutugunan ang mga hamon at patuloy na magtutulungan upang masugpo ang iligal na droga sa ating komunidad,” saad ni PBGen Birung.#