(Photo courtesy:PNP-Apayao)

Sa lalawigan ng Apayao, dalawang malalayong komunidad ang binisita ng mga kapulisan mula sa 2nd Apayao Provincial Mobile Force Company (PMFC) upang magsagawa ng outreach activities.

Ayon sa 2nd Apayao PMFC, ang Sitio Catub ay isa sa pinakamalyong sitio ng Brgy. Paddaoan sa bayan ng Conner.

Sa kanilang pagbisita, mahigit 135 na mga residente ang nabigyan ng mga food packs, tsinelas, sapatos at damit.

Samantala, sa Brgy. Banban naman sa bayan pa rin ng Conner, aabot naman sa 50 na mga kabataan ang dumalo sa isang feeding activity na pinangunahan ng mga kapulisan pa rin ng 2nd Apayao PMFC. (PROCOR-PIO)