INILILIBING ang mga labi ng isang rebelde na napaslang sa bakbakan sa Buguey, Cagayan. (5ID)

Ulat ng LNC Team

CAMP MELCHOR DELA CRUZ, Isabela-Isa umanong kumander ang isa sa mga napaslang na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng militar at teroristang grupo sa Villa Cielo, Buguey, Cagayan kamakailan.
Kinilala ito na si Rey Busania Alyas “Bon”
na tubong Maddela, Quirino na siyang Commanding Officer ng Regional Operations Command (ROC) ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley o KRCV, ayon kay Major Rigor Pamittan, tagapagsalita ng 5th Infantry Division.
Inilabas ang tunay na pangalan ni alyas “Morga” na kasama sa mga nasawi.
Kinilala siya na si Lennel Domanais na estudyante ng University of the Philippines – Diliman at miyembro ng Alay Sining. Si alyas Morga ay sumanib sa kilusan noong taong 2019 at naging Supply Officer at Giyang Politikal ng Komiteng Probinsya ng Isabela, KRCV.#
Inilalagay sa puntod ang mga labi ng isang rebelde na napaslang sa Buguey, Cagayan.(Larawan mula sa 5ID)