Photo Courtesy: PRO2-PIO)

Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City -Dinakip ng mga otoridad kamakailan ang isang construction worker na nagsesecure umano ng police clearance sa Iguig Police Station matapos mapag-alamang mayroon itong Standing Warrant of Arrest.

Kinilala ang suspek na si Renato Sagun, singkwenta’y kwatro anyos at residente ng Barangay Asassi, Baggao, Cagayan.

Habang pinoproseso umano ang nabanggit na dokumento, lumabas sa system ng PNP na mayroon itong Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na Php200,000.00 ang inirekomendang piyansa. Ito ay inilabas ng Regional Trial Court National Capital Judicial Court – Branch 256 ng lungsod ng Muntinlupa noong July 31, 2012.

Bineripika rin ito sa Next Generation Investigation System (NGIS) at nakumpirma ngang si Sagun ang naturang wanted sa batas.

Ang suspek ay nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ng Iguig para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (PRO2-PIO)