TUGUEGARAO CITY-Hinirang bilang bagong Undersecretary ng Department of Health (DOH) si Dr. Glenn Mathew Baggao.

Sa inilabas na kautusan ng Malacaรฑang, pinagtibay at nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakatalaga sa kanya.

Nanilbihan siya ng anim na taon bilang Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa panahon ng paninilbihan nito, isinulong niya ang kanyang ang 10-Year Hospital Development Plan, nakapaloob dito ang mga pagsasaayos ng mga gusali, pasilidad, at ang pagdaragdag ng mga medical equipment na tutugon sa pangangailangan ng publiko.

Sa panunungkulan niya sa CVMC, nagkaroon ng specialty centers na nagagamit tulad ng Cancer Center, Acute Stroke Unit, Cardiovascular Unit, Pulmonary Unit, Molecular Laboratory, at iba pa.

Napabilis rin daw ang pag-access ng mga pasyente sa ibaโ€™t ibang Emergency Room, Out Patient Department at iba pang pasilidad na nakatutulong sa pangangailangang medikal ng mga pasyente.#