Kabilang na ngayon sa mga bayan na wala ng kaso ng Covid-19 ang bayan ng Tuao matapos gumaling ang kahuli-hulihang kaso nito Martes, Nobyembre-23.

Nauna nang Covid-19 free ang mga bayan ng Pamplona at Isla ng Calayan.

Ito ay base sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Cagayan.

Samantala, may 19 naman na naidagdag sa aktibong kaso ng virus mula sa siyam na lugar sa probinsya, habang 32 naman ang gumaling dahilan para bumaba pa sa 287 ang aktibong kaso ng lalawigan.

Wala namang naitalang nasawi sa virus ngayong araw base sa datos ng PESU, ngunit bahagya namang umangat sa 19 ang bilang ng mga naka-home quarantine sa lalawigan kung saan 11 dito ang naitala sa Tuguegarao City, tatlo sa Claveria at Sta. Ana, habang dalawa naman sa bayan ng Baggao.(Cagayan Provincial Information Office/Kane Manaoat)