TUGUEGARAO CITY-Sinasabing nabuwag ang isang drug den sa bayan ng Aparri, Cagayan matapos ang isinagawang buy-bust operation na ikinadakip ng anim na katao.

Sa pinagsanib na pwersa ng PDEA Batanes Provincial Office, Aparri Police Station at PIU-PDEU ng Cagayan PPO, isinagawa ang operasyon sa Jose Abad Santos St., sa Brgy. San Antonio, sa mismong bahay ng isa sa mga nahuli na si alyas Dan na isang painter.

Nabatid na apat sa mga nadakip ay mga estudyante sa kolehiyo.

Kabilang sa mga nakumpiska ay isang maliit na sachet ng dried marijuana leaves na may timbang na isang gramo; dalawang piraso ng tuyong dahon din ng marijuana, stalks at fruiting tops na binalot ng brown scotch tape na may bigat na 100 gramo; isang malaking sachet o bag ng dried marijuana leaves na may 0.3 gramong timbang; assorted drug paraphernalia; at kanilang personal na kagamitan.

Umaabot naman sa 120,000 pesos ang halaga ng nakumpiskang dahon ng marijuana.#

Photos courtesy: PDEA REGION 02