Mismong ang ina ng yumaong BS Criminology student ng University of Cagayan Valley ang nagmartsa at tumanggap sa diploma nito sa araw ng pagtatapos nito kahapon, Hunyo 15, 2023.

    Nabatid na nasawi si Sherwin Gumahong sa isang disgrasya sa kalsada noong Marso 5 ngayong taon, mahigit dalawang buwan bago ang kanilang graduation day. 

    Naantig ang damdamin ng mga opisyal ng unibersidad at maging ang karamihan sa mga dumalo sa graduation rites.#

Image courtesy: University of Cagayan Valley (UCV)