Dalawang katao ang nasugatan sa bumaligtad na SUV sa Barangay Inga, Enrile, Cagayan.
Sa ulat ng Enrile Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), isang gray na Fortuner ang bumaligtad na kinabibilangan ng isang 29-anyos na lalakeng drayber na taga-Tuguegarao City at ang isang 24-anyos na buntis na babae mula sa Barangay Inga na nagtamo ng sugat.
Agad silang dinala sa St. Paul Hospital upang lapatan ng lunas.
Dahil dito, muling nagbabala ang MDRRMO sa mga motorista na doble-ingat sa pagmamaneho sa kalsada.#