Courtesy: MDRRMO Maconacon

Nalubog ng tubig sa dagat ang isang cargo boat sa Sitio Dibol, Brgy. Diana, Maconacon, Isabela kahapon, Disyembre 4, matapos na tumaas ang lebel ng tubig dahil sa nararanasang malakas na pag-uulan dulot ng Shearline at Orange Rainfall Warning Category ng bayan.

Una rito, sumilong ang cargo boat sa lugar simula pa noong bagyong Pepito matapos na hindi makabiyahe pabalik dahil sa Amihan, ayon sa ulat ni Bernard Plasos, operations and warning officer ng MDRRMO Maconacon.

Posibleng noong tumaas ang tubig ilog na kinalalagyan ng bangka ay mayroong tumamang kahoy sa katawan nito na naging dahilan ng kanyang pagkabutas at pagkalubog.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa lumubog na bangka.

Patuloy ang monitoring ng panahon sa lugar.#