Courtesy: LGU-Enrile

Gumuho ang tulay sa Barangay Alibago, Enrile, Cagayan at nagkaroon ng crack ang pundasyon nito kahit hindi pa ito nagagamit ng mga residente sa lugar.

Dahil dito, humihiling ng paliwanag ang mga opisyal ng Enrile sa 3rd District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways Region 2 hinggil sa pangyayari. Wala pang pahayag ang DPWH.

Dapat raw na magkaroon ng pulong ang LGU upang ma-inspeksyon ng maayos ang tulay kung ligtas ba ito sa mga motorista.

Aniya, una na siyang nagpasa ng kaso hinggil sa nasabing proyekto ngunit ito ay na-dismiss kaya’t humihingi ngayon ito ng kopya ng feasibility study at detalyadong engineering design ng naturang tulay.

Dagdag pa nito, mayroon nang karatula malapit sa tulay mula sa DENR na nagsasabing ‘no build zone’ subalit itinuloy pa rin ang proyekto.

Iniutos na ng alkalde ang paglalagay ng warning at detour signs sa lugar habang ang mga motorista naman ay maaari munang dumaan sa service road na tabi ng flood control upang hindi makompromiso ang kanilang mga biyahe.#