Tinanggihan ng anim na bayan sa Lalawigan ng Cagayan ang ipinamamahaging brand new wheel-type excavator ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Kabilang sa mga bayan na hindi tumanggap ay ang mga bayan ng Amulung, Ballesteros, Lasam, Pamplona, Solana at Peñablanca. Ang mga bayan ay hindi rin umano na nagbigay ng anumang paliwanang kung bakit nila tinanggihan ang mga backhoe.
Kaya’t ipinamigay na lamang ni Gob. Manuel Mamba ng Cagayan ang mga tinanggihang backhoe sa mga bayan na madalas makaranas ng baha gaya ng Buguey, Claveria, Allacapan, Sta. Ana, Tuao, at Lungsod ng Tuguegarao.
Ayon pa kay Gob. Mamba, na ang mga ipinamamahaging heavy equipments ay para sa mga engineering office ng mga bayan na siyang responsable sa pagtugon sa problema sa local flooding.
“Ayaw tanggapin, ibig sabihin okay na sa kanila. Kinacapacitate natin sila as much as possible kaya lahat sila sana ay pantay-pantay. Local floods ang ina-address natin dito sa backhoe kaya yung wheeled ang kinuha para mas mabilis. May magamit sa water waste, pagtanggal sa mga nakabara sa mga kanal para lumabas ang tubig,” saad ni Gob. Mamba.#