Patok ngayon at ramdam na ramdam na ang diwa ng Pasko sa Isabela Emoji World of Christmas sa Queen Isabela Park sa City od Ilagan sa lalawigan ng Isabela na pormal na binuksan kahapon.
Ito ay dahil sa mga kaiga-igayang itinayo na mga dekorasyon o palamuti nga mga emoji na kasama ng mga pailaw sa parke.
Ang pinakabagong atraksiyong na ito ay itinayo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, ay matatagpuan sa Queen Isabela Park, Alibagu, City of Ilagan.
Dahil sa lugar, masayang bumibisita ang mga residente at mga turista at nagba-bonding at sama-samang nagpaflashback sa mga emoji na ginamit ng jowa o ex ngayong taon sa Christmas Village sa Kapitolyo.#