📸: DOST-PAGASA

Bahagyang bumagal ang paggalaw ng Bagyong #MarcePH sa Philippine Sea sa Northern Luzon, batay sa 8 a.m. update ng DOST-PAGASA ngayong Miyerkules, November 6, 2024.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 km/h at bugsong aabot sa 170 km/h. Mabagal itong kumikilos pakanluran.
Inaasahang lalakas pa ito ngayong araw bago mag-landfall o dumaan malapit sa Babuyan Islands o Cagayan bukas, November 7.
Ibayong pag-iingat ang ipinababatid ng awtoridad.#