(Photo courtesy: PDEA-Region 2)

By LNC Team

Dinakip sa isinagawang drug buy-bust operation ang isang binatang tulak ng iligal na droga mula sa bayan ng Peñablanca, Cagayan kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Phil. Drug Enforcement Agency- Region 2, nadakip ang suspek na kinilalang si Owen Jantzen Siballuca Paat, 22 taong gulang, binata at residente ng Barangay Dodan, Peñablanca.

Naganap ang buy bust operation laban sa suspek, kahapon ng hapon, Hulyo 20, sa Brgy. Allimanao, Peñablanca.

Unang nakuha sa pag-iingat ng suspek ang shabu na ibinenta nito sa operatiba na nagpanggap na buyer.

Matapos namang kapkapan ang suspek ay tumambad pa sa kapulisan ang karagdagang limang supot ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Mahaharap ngayon sa mga kasong pagtutulak at pag-iingat ng iligal nadroga ang suspek.

Samantala, pinuri naman ni PDEA RO2 Director Atty. Joel Plaza ang pinagsamang pwersa ng PDEA Cagayan at Regional Drug Enforcement Unit ng PNP sa matagumpay nilang operasyon. #