Ulat ni LORENZO BUNCAG
CABAGAN, Isabela-Dinakip ang isang lalake at kinumpiska ang shabu at iba pang ebidensya mula sa kanya sa Anao sa bayan na ito kamakalawa. Kinilala ang suspek na si “Harold” na construction worker at residente ng nasabing barangay na matagal nang pinaghihinalaang sangkot sa bentahan ng iligal na droga.
Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang (1) genuine na ₱1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, at isang cellphone.
Minarkahan at inimbentaryo sa lugar ng operasyon ang mga ebidensya sa harap ng suspek na sinaksihan ng opisyal ng barangay ng nasabing lugar at ng kinatawan ng National Prosecution Service (NPS) at media.Nasa likod ng matagumpay na operasyon ang Cabagan Police Station (Lead Unit) katuwang ang PDEU-PIU-IPPO at PDEA Regional Office 2.
Matapos ang operasyon, agad na dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng Cabagan PNP para sa dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya.#