TINGNAN: Bilang ng aktibong kaso sa lungsod ng Tuguegarao, bumaba na sa 69.

Sa datos na mula sa City Health Office, lima (5) lamang ang naidagdag na bagong kaso ngayong araw habang 17 naman ang bilang ng mga naka-recover at walang naitalang nasawi.

Bagama’t bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa ating siyudad, mariin pa ring pinaaalalahan ang lahat na sumunod sa itinakdang guidelines sa ilalim ng GCQ status with Heightened Restrictions.

Patuloy pa rin na obserbahan ang minimum health standards sa lahat ng oras.#