Ngayong araw, ang bilang ng aktibong kaso sa lungsod ng Tuguegarao ay nasa 366. Ito ay bahagyang bumaba mula sa bilang na 380 kahapon.
Mayroong naitalang labing walo (18) na bilang ng panibagong kaso at dalawang (2) re-exposed na indibidwal, habang 33 naman ang nakarekover mula sa sakit. Isa (1) naman ang nasawi, ayon sa datos ng City Health Office.
Mariing pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na sumunod sa ating minimum health standards upang makatulong sa pag-iwas sa community transmission. Kung may nararamdaman na sintomas o may exposure sa nag positibo sa sakit ay agad na mag isolate at ireport sa BHERTS o sa Bayanihan Helplines.
Pinaiigting ang pag-iingat lalo na at nasa lungsod na ang Delta Variant. Ito ay mas mabagsik, mas madaling kumalat at mas nakakamamatay ayon sa mga experto.
Hinihikayat din natin ang ating mga kababayan na magparehistro at magpabakuna kontra sa COVID-19 pagdating ng tamang schedule para sa mga grupong ating kinabibilangan.