Courtesy: PNP-Tumauini/ Tumauini West Central School

Nalunod at nasawi ang tatlong mga batang mag-aaral ng Tumauini West Central School matapos silang malunod bandang 3:55 ng hapon kanina sa Cagayan river sa bahagi ng Annafunan, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga nasawi na mga batang mag-aaral na sina Jhon Philip Pazzibugan, walong taong gulang at nasa Grade 3; Lawrence Bacani, siyam na taong gulang at nasa Grade 4 at Jerome Bacani, sampung taong gulang at nasa Grade 6, pawang residente ng Annafunan, Tumauini, Isabela.

Una rito, walang pasok sa mga paaralan kahapon dahil sinuspindi ang pasok bunsod ng nakataaas na rainfall warning ng PAGASA sa lalawigan ng Isabela.

Agad nagsagawa ng rescue operations ngunit wala nang buhay ang mga bata ng matagpuan ang mga ito. Naipasakamay na sa mga kaanak ang mga labi ng mga bata.#