TABUK CITY, Kalinga–Nakilala na at natiyak na magkakamag-anak ang mga napaslang sa pamamaril sa Purok 7, Barangay San Julian, Tabuk City, Kalinga kaninang umaga, Abril 24, 2025.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP Kalinga, ang mga nasawi ay kinilalang sina Santos Calsiyao, Tokar Calsiyao, at Leo Palat Calsiyao na pawang residente ng barangay Basao Dilag, Tabuk City.
Bandang alas-syete ng umaga ay nakatanggap ng impormasyon ang PNP hinggil sa pamamaril sa nasabing barangay kung kaya’t agaran silang rumesponde at naabutan ang tatlong nakahandusay at duguang katawan na wala ng buhay.
Isinasagawa pa rin ang hot pursuit ng mga awtoridad laban sa mga suspek.#