Nasawi ang 13 katao kabilang dito ang pitong bata matapos mahulog sa irrigation canal ang sinasakyang SUV sa bahagi bg Brgy. Bulo, Tabuk City, Kalinga kahapon, Abril-18.Nakilala ang mga nasawi na sina Soy Lope Agtulao, 36-anyos; Judilyn Talawec Dumayom, 31; Alfredo Cutit Lope, 59; Remedios Longey Basilio, 56; Jessabel Basilio Paycao, 27; Sony Puking Lopez, 22; Marlo Gel Perena, 6; Seadarn Talawec Dumayom, 5; Scarlet Basilio Paycao, 3; Jeslyn Talawec Paycao, 4; Cydwin Lope Agtulao, 6; Cyan Lope Agtulao, 4, at Ezverdcrick Basilio Paycao, 4.Kritikal naman sina Edith Andiso Perez, 51 anyos at Cyril Lope Agtulao, 10-taong gulang.Ayon sa pulisya, binabagtas ng isang kulay itim na Ford Everest ang kalsada sa bahagi ng Brgy. Bulo nang biglaang nitong tinumbok ang irrigation canal kung saan ito nahulog.Nagtulong-tulong naman na maiahon ng mga rescuers at mga mamamayan ang sasakyan at mga biktima kung saan agarang isinugod sa pagamutan ang ito.Dalawa sa mga biktima ang deklaradong dead on arrival sa Kalinga Provincial Hospital habang 11 sa ang DOA din ng isugod sa Mejia Kim District Hospital.

#Larawan mula kay Arceli Gunday