CAMP LT. ROSAURO TODA JR., CITY OF ILAGAN, Isabela- Arestado ang isang lalakeng kabilang sa Street Level Individual pagkatapos itong mahuli sa ikinasang Anti-Illegal Drug buy-bust ng pinagsanib na pwersa ng Cordon PS(lead unit), PIU-IPPO, at RIU-2 sa pakikipagkoordinasyon sa PDEA R02 bandang 11:00 kagabi, ika-7 ng Abril, 2024 sa Purok 6, Brgy. Turod Sur, Cordon, Isabela

Kinilala ang suspek na si alyas Tony, 24 anyos single, walang trabaho at residente rin ng nabanggit na lugar.

Napagtagumpayang makumpiska rito ang dalawang pirasong pakete na hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 0.05 gramo at SDP na humigit kumulang Php340.00 (buy bust item); isang pirasong genuine 500-peso bill (buy bust money); at isang unit ng Cellular phone (Oppo).

Samantala, isinagawa naman agad ang imbentaryo at pagmamarka ng mga nasamsam na ebidensya sa pinangyarihan ng operasyon kung saan itoโ€™y nasaksihan ng DOJ Representative, at Barangay officials ng lugar.

Ang suspek maging ang mga ebidensya ay dinala sa himpilan ng Cordon para sa dokumentasyon at naaayong disposisyon. #