Tinangay ng rumaragasang tubig mula sa Ilog Cagayan ang bahagi ng steel bridge sa ginagawang Camalanuigan-Aparri Bridge.

Makikita sa ibinahaging video ni Gadpreylan Richard Urbayo ang mga naanod na kahoy na siyang tumulak sa tulay upang unti-unti itong masira hanggang sa matangay ng tubig ang mga bakal nito.

Ang steel bridge ay ginagamit pansamantala bilang alternate route sa Magapit bridge mula Aparri papunta sa bayan ng Camalaniugan habang tinatapos ang Camalanuigan-Aparri Bridge.#

Courtesy: Cagayan Provincial Information Office