(Image Courtesy: CPIO)

By LNC Team

TUGUEGARAO CITY-Nanguna kahapon (July 21) ang bayan ng Sta. Ana sa may pinakamataas na bilang ng nagpositibo sa loob ng isang araw na umabot sa 64 kung kaya pumalo na rin sa 69 ang aktibong kaso sa nasabing bayan.

Pumapangalawa ang Tuguegarao City na nakapagtala ng 13 bagong aktibong kaso ng virus; tatlo sa Solana; tig-dalawa sa Amulung, Lal-lo, at Sanchez Mira; tig isa sa mga bayan ng Aparri, Gonzaga, Pamplona, at Peñablanca.

Sa kabuuan, umabot sa 90 ang naidagdag sa aktibong kaso ng virus sa lalawigan.

Samantala, muling nakapagtala ang Tuguegarao City ng isang nasawi sa virus noong Huwebes.

Nasa 139 naman ang mga pasyenteng naka Home Quarantine sa Cagayan kung saan 71 dito ay mula pa rin sa Tuguegarao City; 47 sa bayan ng Sta. Ana.

Sa ngayon, mayroon pang 239 na ang total active cases ang Cagayan, habang 11 naman ang gumaling.#