Bandang alas syete trentay uno ng umaga noong ika-Marso uno, taong kasalukuyan, sinaklolohan nila PMSg Reymundo R Villena and PSSg Narciso Q Bautista Jr, Patrol PNCO ang tawag mula sa isang residente ng Barangay Dicaduan, Palanan, Isabela na nakikiusap na maidala ang isang buntis sa pinakamalapit na ospital.
Pagdating sa lugar, isang buntis na babae ang nadatnan nila na namimilipit na sa sakit sa dahilang lalabas na ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Ayon sa report, tatawid sana ng ilog sa Sitio Dicabayo, Brgy. Dicabisagan West, Palanan, Isabela ang isang babae na nagngangalang si Christine Joy Pieza, labing-walong gulang, residente ng Barangay Dicaduan, Palanan, Isabela nang biglang nakaramdam na manganganak na ito at wala itong masakyan na sasakyan papunta sa ekstasyon ng Panlalawigan Pagamutan ng Isabela sa Palanan kung saan ito ay manganganak.
Katulong ang mga kawani ng MDRRMO Palanan, Isabela binuhat at naisakay sa patrol car ng Palanan MPS ang mag ina at dinala sa ospital. At pagkadating sa naturang pagamutan ay agad na tinulungan ng mga kawani ng pagamutan at ligtas na nailuwal ang bata sa likod ng patrol car ng Kapulisan.(PNP Palanan press release).#