Naitala kahapon, October 18, 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 614 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 733 na gumaling at 42 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 5.51% (6,843) ang aktibong kaso, 91.19% (113,101) na ang gumaling, at 3.25% (4,043) ang namatay.