source: Cagayan Police Provincial Office

Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City- Tuluyang napasakamay ng PNP Penablanca ang isang indibidwal na tinaguring regional top 3 most wanted person sa Purok 4, Brgy. Nabbabalayan, Peñablanca, Cagayan, kahapon, Oktubre 3, taong kasalukuyan.

Batay sa ulat, bandang alas 9:30 ng umaga sa nabanggit na araw at lugar, dinakip ng awtoridad ang akusado na kinilalang si alyas Peping, 21 taong gulang, binata, magsasaka, at residente ng parehong lugar dahil sa krimeng Panggagahasa na may dalawang bilang.

Ang pag-aresto kay Peping ay isinagawa ng pinagsamang tauhan mula sa Peñablanca PS kasama ng Regional Intelligence Unit 2, Cagayan Provincial Intelligence/Provincial Drug Enforcement Unit, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, at 204th Maneuver Company- Regional Mobile Force Battalion 2 sa bisa ng warrant of arrest.

Sa kasalukuyan, siya ay nasa kustodiaya ng PNP Peñablanca para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.