Naitala kahapon, September 7 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 735 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 1,027 na gumaling at 43 ang naitalang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 9.66% (7,735) ang aktibong kaso, 87.38% (70,141) na ang gumaling, at 2.91% (2,338) ang namatay.(Courtesy:DOH Region 2)