Image courtesy:PLGU-Quirino

Iniutos ni Governor Dakila Carlo Cua ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong hanay ngayong Sept. 3.

Sa kanyang ipinalabas na Executive Order, walang pasok sa paaralan at mga opisina ng pamahalaan maliban sa mga frontliners sa disaster management at health services.

Ito raw ay para handa sa sakuna ang mga residente sa pananalasa ng bagyong Enteng.#