(Courtesy:PLGU-Quirino)

Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng 8 na panibagong kaso ang ating lalawigan, 81 naman ang mga gumaling mula sa virus at 1 ang nasawi.

Sa kabuuang bilang, 6,782 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES ng ating probinsya, 351 dito ang ACTIVE CASES, 6,211 naman ang RECOVERED CASES at 220 na ang COVID RELATED DEATHS.

Bagamat bumababa na ang naitatalang kumpirmadong kaso sa ating probinsya ay patuloy pa rin sa pagpapaalala ang ating Pamahalaang Panlalawigan na tayo ay mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.

Keep safe mga kailyan!