Inaprubahan ng Regional Inter-agency Taskforce ang naging rekomendasyon ng Lokal na Pamahalaan na ibaba sa MECQ ang quarantine status ng lungsod matapos sumailim sa 32 araw na Enhanced Community Quarantine.

Ipapatupad ang MECQ sa loob ng sampung araw simula September 13 hanggang September 22, 2021, alinsunod sa mga protocol na inilatag ng National IATF Omnibus guidelines.

Ayon sa pamahalaang lungsod. antabayanan ang mga protocols na ipapatupad sa lungsod simula bukas.(Courtesy:Tuguegarao CIO)